Mental Health: Napapanahong Bigyang Pansin


Dalawang linggo ka na bang di makatulog? Nawawalan ka ba ng ganang kumain at mabilis ng makalimot?

Ilan ang mga iyan sa mga sintomas ng Depresyon na ibinahagi ni Ms. Maria Jasmin R.Tagudar, RN, Development Management Officer III ng DOH-CVCHD sa kanyang pagtalakay sa usaping, Mental Health: A Growing Public Health Dilemma, kaugnay sa ika-apat na Annual Health Research Conference sa Isabela State University- Cauayan Campus nitong ika-27 ng Nobyembre, 2018.

Iginiit ni Ms. Tagudar na nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang Mental Health dahil ito ang sanhi ng Depresyon at maging ng Suicide.

Kabilang sa mga nabanggit n’yang sintomas nito ay ang labis na kalungkutan at kawalang pag-asa, pagbabago sa pamumuhay, at adiksyon sa alak o droga.

Pinayuhan din niya ang mga dumalo na makatutulong ang pagiging mabuti at aktibong tagapakinig sa mga kakilala nilang nakararanas ng depresyon; subalit higit umanong mainam ang “Self-Help” o ang pagtanggap ng nakakararanas nito sa kanyang pinagdadaanan upang mas epektibong matugunan ng mga eksperto.

Minungkahi niyang balansehin ang buhay at trabaho at magkaroon ng tamang pamamahala sa stress upang di tamaan ng depresyon.